Discipline: Literature
Sa pagtunton sa mula't dulo ng tulang Tagalog, sa anyo nito't gampanin, dalawang kaban ng kaalaman ang maaaring balingan: ang kabang bayan- karunungang napasilid na sa isip, dila, ng bayan, at ang kabang tala - karunungang limbag. May tagatanggap sa pana-panahon ang dalawang karunungang iyan. Ang pagtanggap at pagkilala sa kaalamang iyan ay gawaing isinasakatuparan ng manlilikha, na taong sadyang nakaaalam ng kung ano nga ang tulaang makata, sinasadya man niya o hindi.