HomeDaloyvol. 4 no. 2 (1995)

Nang Binihag ng Titik ang Bibig: ang Pagtataksil ng Makata sa Bayan, o ang Rebelyon ng Bayan Laban sa Metapora ng Imperyalismo

Ma. Stella S. Valdez

Discipline: Literature

 

Abstract:

Tungkulin ng bayan na ipagpatuloy ang paghihimagsik hanggang hindi magising ang makata, ang tunay na mandirigma at tagapagtanggol ng buhay ng bayan. Gayunpaman, tungkulin ng modernong makata na isuko muna ang kanyang indibidwalidad at bumalik sa dating tradisyon ng katutubong punlaan. Siya ang makakahilom sa sugat ng ating kolektibong kamalayan, dahil ang kanyang nuno rin naman ang lumikha ng unang tula para sa bayan.