Discipline: Chemistry, Medicine, Ocean Medicine
Kung ating titingnan ang industriya ng parmasya dito sa Pilipinas, kapuna-puna na siyamnapu't limang porsiyento ng gamut ay ating inaangkat buhat sa ibang bansa. At sa isang banda, limampung porsiyento ng mga gamut na ginagamit ng sangkatauhan ay nagmula buhat sa kalikasan. Ito ay lubhang nakalulungkot isipin dahil sa ang Pilipinas ay isang bansa na mayaman sa mga anyong buhay na nagtataglay ng mga potensiyal na gamot. Ang mga ito ay dapat lamang tuklasin at hanapan ng mapaggagamitan. Subalit tayo ay patuloy na ring umaangkat ng mga bagay na ito.
Ang mga halimbawa ng mga gamot na galing sa kalikasan ay ang aspirin na unang nakuha mula sa puno ng Willow. Sa ngayon, ang aspirin ay ginagawa na lamang sa laboratoryo at saka ipinagbibili sa labas.
Ang penicillin ay isang uri ng antibiotiko na natagpuan sa isang mikrobyo. Ito ay ginagamit ngayon ng mga manggagamot upang labanan ang mga impeksyon.