HomeMALAYvol. 10 no. 1 (1992)

Ang Maikling Kwentong Iloko At Ang "Biag Ti Lam-Ang": Paghahanap Sa Pagpapatuloy Ng Tradisyon Sa Literaturang Iloko

Ma. Stella S. Valdez

Discipline: Philippine Literature, Filipino Culture

 

Abstract:

Isa sa pinakaangkop na dulog-kritika na magagamit upang lalong maunawaan ang literaturang bernakular ay yaong nagtutuon ng pansin sa tagisang namamagitan sa alin mangkontrast na taglay ng teksto--mga kontrast na nagpapakita ng tensyon sa pagitan ng gitna at ng gilid. Isang daloy ang kontrast na ito na nananalaytay sa

halos lahat ng tekstong nasusulat sa bernakular. Halos lahat ng oposisyong binibigyang-kahulugan ng isang manunulat sa bernakular ay tiyak na sasaIing sa konseptong "api/mahina," na laging nakahanay sa gilid sa dikotomiyang gitna-giIid.. Ang "api/mahina" ay maaaring ang mahirap laban sa mayaman; ang lalawigan

laban sa siyudad; ang babae laban sa lalaki; ang sinusugpong ideolohiya laban sa namamayaning estado; at ang kalalawigan o kababayan laban sa hindi (na ang ibig sabihin ay ang taga-labas). Isang lumang padron ang ganitong nagtatagisang pares na matatagpuan lagi sa mga mito at kauring anyo; at kung ang ganitong. dikotomiya ay makikita kapwa sa kontemporaryong kwentong Iloko at sa pinag-ugatang mitong Iloko, mahihinuha na hindi napatid ang tradisyon sa literatura ng mga Ilokano.