Discipline: Economics
Nagiging mistulang ekonomista, kung hindi man pantas o pilosopo, ang marami sa atin kapag nabubuhol tayo sa trapiko sa Maynila, tumatawag sa telepono sa probinsya, sinisinghot ang usok at polusyon mula sa mga sasakyan, hinaharang ng gagabundok na basura, nilalamog ng baku-pakong kalsada, at tinatakot ng lumalaganap na kriminalidad at kahirapan.
Tulad ng mga pantas ay nagtatanong tayo sa mga pinagmulan ng ating panlipunang problema. Bilang mga ekonomista, humahanap tayo ng mga solusyon sa kumunoy na lumulunod sa ating kabuhayan at kaunlaran. Sapat na bang matuwa tayo na apat na oras na lamang ang brownout imbes na pitong oras? Tatanggapin na lang ba natin nang aluwag sa ating kalooban na walang tubig kapag tag-araw at lubog tayo sa baha kapag tag-ulan? Ito nga ba ang ating kapalaran: ang maging kulelat na ekonomya ng ASEAN?