Discipline: Philippine Literature, Filipino Novels
Ang Etnograpiya ng Edukasyon
Ang wika ay makapangyarihang kasangkapan sa komunikasyon. Nagiging komunikatibo ito kung nagagamit sa paghahatid ng mensahe ayon sa talagang intensyon ng interlokyutor para maunawaan ng kapwa niya interlokyutor. Sa mga usapang harapan o face-to-face, may pangangailangang elemento para maging ganap ang isang gawaing komunikatibo. Nilagom ni Hymes (1968) ang mga batayang ito para masuri ang etnograpiya ng komunikasyon, na deskripsyon ng kultura ng pagsasalita ng tao sa iba't ibang seting.