HomeMALAYvol. 13 no. 1 (1996)

Ang Bisa Ngwika Sa Pagkatuto

Roberto E. Javier Jr.

Discipline: Education, Instructional Language

 

Abstract:

Ayon kay Vygotsky (1925 sa Cole 1978), wika ang gamit ng tao sa kanyang pag-iisip, yamang ito ang katulong ng utak sa pagpoproseso ng kaalaman. Ito rin ang inspirasyon ng tao sa kanyang mga gawain sa pang-araw-araw (Timbreza 1994). Kaakibat ng tao ang wika sa kanyang pagsulong. Wika ang ginagamit para mag-isip kung paano mapapaunlad at mapapanatili ang isang lahi pati na ang yaman nito. Sa pamamagitan ng wika, ang kanyang karunungan sa siyensya, arte, at teknolohiya ay naitatabi nang sistematiko, dahil ang wikang ito ang tumbasan ng lahat ng kaganapang pang-kaisipan at pang-kapaligiran. Kinakailangang saklaw nito ang kamalayan ng sumasangguni rito upang mapakinabangan sa pagpapabuti ng tao at ng kapaligirang kanyang ginagalawan (Epistola sa Ortega 1981).