HomeMALAYvol. 13 no. 1 (1996)

Sikolohiyang Filipino,Sikolohiyang Rebolusyonaryo

E. San Juan Jr.

Discipline: Psychology, Functionalism

 

Abstract:

Sinasamantala ko ang pagkakataong ito na idinulot ng organisasyong Sikolohiyang Filipino upang maisapraktika ang isang prinsipyong batayan ng bagong agham o siyensyang oposisyonal sa "Western episteme": ang paggamit ng wikang Filipino.

Napakahalaga nito sa pagbuo ng isang kamalayan o sensibilidad na habang nanunuri sa sariling kaisipan ay nanunuri't nagbabago rin sa kapaligiran. Ang diyalektikal na pagkakaugnay ng tao at lipunan ay naisasakatuparan sa simbolikong aksyon ng wikang naghahatid ng mensahe ng kalayaan at pagbabagong-buhay. Samakatwid, ang wika ay di lamang kagamitan sa pag-iisip kundi sandata rin sa pagpapalaya ng sarili't kapwa mula sa itinakdang pangangailangan ng kalikasan at kasaysayan. Ang wikang katutubo ay sandata para sa pagbabago ng ating lipunan, ng mga materyal na kundisyong yumari at patuloy na humuhubog sa ating diwa at buhay bilang isang bayang napailalim sa kapangyarihan ng Espanya at Hilagang Amerika.