HomeMALAYvol. 13 no. 1 (1996)

Ekonomiks Ng Kapaligiran: Isang Introduksyon

Tereso S. Tullao Jr.

Discipline: Economics, Environment, Environmental economics

 

Abstract:

Ang mga likas-yaman ay mahalagang dimensyon ng kabuhayan at kaunlaran ng isang lipunan. Mula sa mga likas-yaman ay nakakukuha ng pagkain at mga hilaw na materyal na sangkap sa iba't ibang industriya. Subalit ang kakayahan ng likas-yaman at kapaligiran na maipagpatuloy ang mahalagang papel nito sa lipunan sa mga susunod na henerasyon ay nakasalalay sa wastong paggamit at pangangalaga ng mga ito. Ang pangmatagalang buhay ng mga likas-yaman ay pinahahalagahan ng lipunan hindi lamang upang maipagpatuloy ang pagbibigay nito ng mga biyaya kundi dahil na rin sa mga epekto ng maaksayang paggamit ng likas-yaman sa buong sistemang ekolohikal.