HomeMALAYvol. 15 no. 2 (1999)

Ekonomiya ng Filipinas Noong 1898 AT 1998: Isang Paghahambing

Tereso S. Tullao Jr.

Discipline: History

 

Abstract:

MARAMING P AMAMARAAN SA P AGDIRIW ANG ngsentenaryo ng ating kalayaan. Sa mga kababayan nating mahiligsa fiesta, ang selebrasyon ay parang Pasko at ang pagpapatuloyng Flores de Mayo sa Hunyo ay pagkakataon upang maitanghalang mga bandila ng mga rebolusyonaryo kasama angpambansang watawat na pumapalit sa mga parol at iba pangpalamuti ng fiesta na nakadisplay sa maraming gusali, lansanganat tulay sa buong bansa. Sa mga negosyante, nariyan angmasiglang bilihan ng mga produktong sentenyal tulad ng payong,relo, bandana, pamaypay, ballpen, kurbata at iba pang abubot.Sa mga alagad ng kulturang Filipino, ito ang panahon upangitanghal ang diwang Filipino at hamunin ang mga kabataan namaging bagong Rizal, Bonifacio, Mabini at Aguinaldo para salahing kayumanggi. Sa mga akademiko, ang sentenaryo ay isangpagbabalik-tanaw sa nakaraan at paghahanap ng katuturan sanakalipas na 100 taong kasarinlan.