Discipline: Sociology
Hangad ng papel na ito na paghambingin ang mga ideya ng dalawang matataguriang namuno sa pagsulong ng pagsasakatutubo ng agham-pantao dito sa ating bansa: sina Virgilio Enriquez at Zeus Salazar. Ang yumaong si Enriquez ang kinikilalang "Ama ng Sikolohiyang Pilipino" dahil sa kanyang matinding pagsusumikap tungo sa pagbuo ng isang agham na batay sa kultura at wikang Filipino. Kinikilala si Enriquez sa loob at labas ng ating bansa para sa kanyang mga sinulat tungkol sa indihenisasyon ng sikolohiya. Si Salazar naman ang nanguna sa pagbalangkas ng mga pamaraan sa pagtatatag ng isang pambansang diskurso na makapagpapabay at makapagpapayabong sa isang malinaw na pambansang kamalayan.