Militanteng pagbati sa lahat ng mga kasama at kapanalig sa pagkakataong ito, ang padiriwang ng sentenaryo (kulang sa isang taon) ng kaarawan ni Ka Amado. Lubhang napapanahon ito sa gitna ng "kampanyang anti-terorismong" inilunsad ng imperyalistang Estados Unidos na siyang mahigpit na tagausig sa mga makabajing Pilipinong nabuwal sa dilim ng Cold War at McCarthyism, nangtinguna na si Ka Amado. Napapanahon dahil ang pagdeklara ni Colin Powell sa National Democratic Front (NDF), sampu ng mga kaanib na mga organisasyon, na terorista ang mga ito ay Ian tad na panghihimasok ng imperyalismong Amerikano at pagyurak sa karapatang pagsasarili ng masang Filipino. Sunggaban natin ang pagkakataong ito sapagkat sa pagitan ng mga sungay ng panganib lamang matatamo ang kasarinlan at kalayaan.