HomeMALAYvol. 19 no. 1 (2006)

Reklamasyon ng Alaala at Kapangyarihan: Biograpiya at Antolohiya ng Apat na Dekada ng Pangangatha ni Hilaria Labog

Dolores R. Taylan

Discipline: Humanities

 

Abstract:

Isa si Hilaria Labog sa mga nanguna at kinilalang nobelista at kuwentista noong kalagitnaan ng dekada 20 hanggang dekada 50. Dahil dito, mahalagang 'buhayin' at kilalanin siya. May tatlong pangunahing dahilan kung bakit: Una, de-kalidad at popular na kuwentista si Labog noong kanyang panahon. Pangalawa, may espesyal na katangian si Labog bilang manunulat. Ang corpus ng kanyang mga katha ay may indikasyon ng kanyang feministang pananaw sa panahong hindi pa iaanong kinikilala o nakikilala ang feminismo sa Pillpinas. Pangatlo, nagtagumpay si Labog na makaigpaw sa kalakaran ng kanyang panahon at nagawa niyang ihanay ang sarili sa kinikilalang kalalakihang manunulat.