HomeMALAYvol. 19 no. 3 (2007)

Sa Tagong Sulok ng Puso: Ang Ilang mga Sagot sa Tanong na Kung Paanong Magsulat ng Akdang Romansa

Lakangiting C. Garcia

Discipline: Sining, Kultura

 

Abstract:

Romantesista ang isang manunulat ng akdang romansa. Gayunpaman, dapat na mabatid ng isang nagnanais na magsulat sa ganitong genre ang ilang mga pangangailangan bukod sa kanyang mayamang emosyon. 

Sa pagsulat ng iskrip ng komiks, kailangang may ideya ang magtatangka sa paggawa ng mga kuwadro, kapsyon, dayalogo, at tunog. Sa pagsulat naman ng mga nobelang romansa, dapat na magkaroon ng kamalayan sa konsepto ng 'love triangle,' 'happy ending,' saglit na kasiglahan at elaborasyon. 

Alinman sa mga akdang ito ang tatangkaing isulat, kailangang magtaglay ng kiliti, kurot at kilig upang maging matagumpay na akdang romansa. 

Sa papel na ito, tatalakayin nang pahapyaw ang ilang mga bagay na kailangan upang makasulat ng mga nabanggit na akda. Layunin nito na maiparamdam sa mga tutunghay na hindi nalalayo ang mga pangangailangan sa pagsulat ng mga akdang romansa sa paglikha ng iba pang mga genre. Tangka rin nito na maipadama na matindi rin ang hamong taglay ng pagsulat sa komiks at mga akdang romansa na minsa'y higit pa nga sa pagsulat ng mga tinaguriang lehitimong akda.