Discipline: Economics
Ang Filipinas ay isa sa mga bansang nangunguna sa pag-eeksport ng mga manggagawa sa buong daigdig. Sa pagdami ng mga umaalis na manggagawang Filipino, mabilis din ang paglago ng kanilang mga padalang salapi sa kanilang iniwang pamilya. Ang revenue ay maaaring ilaan sa mga proyektong pangkaunlaran upang mabawasan ang pagiging palaasa ng bansa sa mga panlabas na tulong pangkaunlaran at mga dayuhang kapital. Ang mga padalang salapi ay isa sa pinakamalalaking pinagkukunan ng dayuhang pondo ng bansa; may epekto ito sa palitan ng salapi, implasyon, pagsigla ng ekonomiya, at sa komparatibong kalamangan ng isang bansa. Sa mga pamilya ng mga OFW, ang mga remitans ang nagiging pantustos sa kanilang mga pangangailangan kaugnay ng edukasyon, bahay, kalusugan, at mga personal na gamit. Sa pananaw ng sumulat, ang migrasyon ng Filipinong lakas-paggawa ay maaaring magbunga ng ekonomik na paglaya't pag-unlad- basta ang mga remitans ay produktibong gamitin kapwa ng mga taong kinauukulan at ng gobyerno.
_____
The Philippines is one of the major exporters of labor across the globe. As the number of Filipino migrant workers increases so does the sum of their remittances to family members at home. The revenue could be allocated for development projects, lessening the country's dependence on foreign or overseas development aid and foreign direct investments and its accompanying social costs. Now one of the country's major sources of foreign currency, remittances affect the country's exchange rate, inflation, economic growth, and comparative advantage. To the families of OFWs, remittances provide for their needs, including education, housing, health care, and personal concerns. From the writer's point of view, the Filipino labor migration may result in economic freedom and economic development in the long term.