HomeMALAYvol. 20 no. 2 (2008)

Ang Katotohanan tungkol kay Inocencia Binayubay (alyas Inday) at ang Pagsugo sa mga Pinoy Supermaid sa Iba't Ibang Panig ng Mundo

Allan N. Derain

Discipline: Social Science, Philippine Literature

 

Abstract:

Ang sanaysay ay isang mapanuring pagbasa kay 'Inday' at sa mga 'patawang-Inday' (Indayjoke) kaugnay ng pagbibigay ng teknikal/bokasyonal na pagsasanay para sa nagpaplanong magtrabaho sa mga ibang bansa, at kaugnay ng diaspora ng mga manggagawang Filipino. Ang mga patawang-Inday ay naghuhudyat ng mga kontradiksiyon kung paanong ang turing na 'supermaid' sa mga Filipinang DH, tulad ng ipinakikita ng kahusayan ni Inday sa kanyang ganitong trabaho, ay katumbalikan naman ng mga limitadong opsiyon para sa sektor na kinakatawan ni Inday bilang texto at bilang Internet icon.

_____

The essay offers a critical reading of 'Inday' and 'Inday-jokes' as seen in the immediate context of the technical/vocational training of those planning to work abroad as household service workers and in the wider context of Filipino workers' diaspora. The Inday-jokes are indicative of contradictions in the conferring of the title 'supermaids' to Filipino domestic helpers as seen in Inday's own display of excellence in her line of work and in the limited options of the sector supposedly represented by Inday as text as an Internet icon.