HomeMALAYvol. 21 no. 2 (2009)

Mga Migranteng Manggagawang may HIV/AIDS: Pagkalinga sa Pangkalusugang Pangangailangan ng Pamilyang Pilipino

Roberto E. Javier Jr.

Discipline: Psychology, Family Health, HIV/AIDS

 

Abstract:

Naratibong interbyu ang ginamit sa pananaliksik na ito upang mahalaw sa mga salaysay ng mga magulang na nahawaan ng HIV (Human Immunodeficiency Virus) ang kanilang mga karanasan sa kinatatakutang sakit na ito at ang kanilang mga karaingang kaugnay ng pagiging ina o ama samantalang nilalabanan ang sakit. Inilalahad sa papel na ito ang hinihinging pangangailangan sa pagkalingang pangkalusugang ng mga pamilyang Pilipino may HIV/AIDS (Acquired Immunodeficiency Syndrome) lalo na sa pagpapanatili nila sa medikasyon sa ARV (Anti Retroviral Drug). Ipinapakita rin sa papel na ito ang tungkol sa mga usaping bunga ng kanilang kalagayan tulad ng kahirapan sa buhay at kawalan ng pinagkakakitaan. Kawing-kawing ang suliranin sa kalusugan, pangkatawan man o pangkaisipan na sanhi ng pagkakaroon ng HIV. Ang kalagayang ito ito ay nakapagpapahina sa kabuaang sistema ng katawan na dahilan upang hindi nila matagalan ang paghahanap-buhay. Makikita rin sa papel na ito ang mga pasanin sa buhay ng mga pamilyang may HIV katulad ng panghihina ng loob, pangamba, pangungulila, at pagdadalamhati sa pagkawala ng mga bagay na mahalaga sa kanilang buhay tulad ng hanapbuhay, at pagkamatay ng asawa, kapatid, o magulang dahil sa AIDS.

 

_____

 

Stories about the experiences of parents who contracted HIV (Human Immunodeficiency Virus) were gathered through narrative interviews; these were used to generate themes about their needs, concerns, and issues that relate to their being mothers and fathers living with HIV/AIDS. The paper presents the need to provide for healthcare of Filipino families living with HIV/AIDS (Acquired Immunodeficiency Syndrome) particularly the need to maintain ARV (Anti Retroviral Drug) medication. The presentation also links the issue on healthcare needs of people living with HIV/AIDS to poverty and lack of income. A multitude of problems, physical and psychological were shared in the stories of parents. The disease continue to weaken the immune system causing the body to be susceptible to stressors such as strenuous work activity which would make them feel fatigue; thus they are unable to keep their job. The discussion focuses on the burdens of families living with HIV – their anxiety, bereavement, mourning, and grief due to multiple losses such as the lack of income, the death of loved ones – spouse, child, sibling.