HomeMALAYvol. 22 no. 1 (2009)

Ang Kaugnayan ng Wikang Pambansa at Edukasyon

Emerita S. Quito

Discipline: Education, Languages

 

Abstract:

Ang Pilipinas ay dumaranas ng isang matinding complex. Kapag ang isang bagay ay Pilipino, itinuturing natin ito na mababa ang uri. Ang akala natin ay sasampalataya sa atin ang buong mundo, lalo na ang mga taga-Asya, kung tayo ay mag-Iingles. Hindi natin natatalos na pinagtatawanan tayo, sapagkat matatas nga tayo sa Ingles ngunit hindi naman tayo marunong sa ating sariling wika. Hanggang hindi natin napangingibabawan ang complex na ito, maari tayong purihin sa harapan ngunit pagtatawanan naman sa likuran.

Ang bawat intelektuwal ng ating bansa ay dapag magbigay ng kaniyang ambag para sa pambansang pagsisikap tungo sa Filipinisasyon. Dahil dito, masasabi natin na malaki ang pananagutan ng mga dalubhasa upang magkaroon tayo ng isang makabuluhang patakarang pang-edukasyon. Sa papel na ito, tinatalakay ang mahigpit na pagkakaugnay ng wikang pambansa sa pagtatamo ng edukasyong sadyang para sa Pilipino.

______

The Philippines is experiencing a major complex. When something is deemed Filipino, we treat it as low class. We thought that the whole world would praise us, especially those from Asia if we are speaking in English. We don’t realize that they are laughing at us, because even if we are good in English, we don’t know our own language. Until we have overcome this complex, we can only be praised at our faces but be laughed at our backs.

Each intellectual in our country should give his contribution for the national effort towards Filipinization. Only through this, could we say that the professionals have a great responsibility in achieving a meaningful educational policy. This paper discusses the significant relationship of a national language in achieving an education truly for the Filipinos.