HomeMALAYvol. 22 no. 1 (2009)

Malaysia at Pilipinas: Mga Problemang Pangwika

Benjamin C. De La Fuente

Discipline: Languages

 

Abstract:

Layunin ng papel na ito na ilarawan ang kalagayang pangwika ng Malaysia at Pilipinas. Tulad ng Malaysia, hindi lamang mga pamamaraan ang dapat nating matutunan kundi ang mga aralin mula sa kasaysayan at sosyolohiya ng pagsulong pangteknolohiya ng mga mauunlad na bansa. Isang pagbabagong pangkaisipan, pangkultura at pangmoral ang kailangan ng Pilipino upang maputol ang tanikalang gumagapos sa kanya sa kamangmangan, pagdarahop at pagkaalipin na dulot ng mga Kastila noon at ng mga Amerikano ngayon. Kaugnay sa pagbabalangkas ng isang mabisang programang pangwika, lalo na sa paglikha ng mga ispesyalisadong talasalitaan, kailangan ang pagtataguyod ng gobyerno.

_____

This paper aims to characterize the language status of Malaysia and the Philippines. Like Malaysia, we not only have to learn the ways but the lessons from history and sociology of technological advancement of the developed countries. The Filipino needs a change in ideology, culture and morality so that he could escape the chains binding him to ignorance, hardships, and slavery caused by the Spaniards in the past and the Americans at present. In relation to the outlining of an effective language program, especially in the creation of specialized vocabularies, the promotion by the government is an imperative.