HomeMALAYvol. 22 no. 1 (2009)

Wika at Katauhang Babae: Mula Mito Hanggang Panahong Moderno

Ruth Elynia S. Mabanglo

Discipline: Languages, Filipino Language

 

Abstract:

Mahalaga ang pangalan at panawag sa alinmang lipunan. Sa maraming pagkakataon, mapatutunayang nagagamit ang mga ito sa paglikom ng kapangyarihan o lakas para sa makasariling layon. Hindi mahirap unawaing nakatutulong ang panawag/diskripsyon o kasabihan at salawikain o imahen sa literatura at sining, sa pagbubuo ng tao ng sarili niyang palagay o konsepto ng kanyang sarili. Binibigyan ng kahulugan at kabuluhan ng wika ang pagkatao at katauhan ng tao. Sabi nga nina Francine Frank at Frank Ashen, "kung pag-aari ng pinangalanan ang pangalan, ang karapatan sa pagpapangalan ay nagtataglay ng kapangyarihang bigyang kahulugan ang pinangalanan." Tinatalakay sa papel na ito ang ilang mga larawan at imahen ng babae na matatagpuan sa mga mito hanggang sa kasalukuyang panahon. Partikular na tinitingnan ang papel ng wika sa patuloy na pagpapanatili ng negatibong imahen na malayo sa tunay na katauhan ng babae.

______

Names and labels are important in any society. In many instances, it can be proven that these are used in garnering of power and strength towards a selfish goal. It’s not difficult to understand that the label/description or saying and proverb or image in the literature and the arts help in the formation of the person of his own perception or concept of a person. Language gives meaning and significance to the identity and nature of a person. According to Francine Frank and Frank Ashen, "if the name is a possession of the named, the right to name possesses the power to give meaning to the one named." Discussed in this paper are some of the pictures and images of the women that can be found in the myths until the present times. The paper particularly deals with the language in the persistence of retaining the negative image that is far from the real identity of the women.