HomeMALAYvol. 22 no. 2 (2010)

Pandaigdigang Krisis Pampananalapi at ang Di-Timbang na Bayaring Internasyonal sa Pagitan ng mga Bansa

Tereso S. Tullao Jr.

Discipline: Economics

 

Abstract:

Ang pagsulpot ng mga krisis pampananalapi ay tinalakay mula sa pananaw ng dibalanseng bayaring internasyonal sa pagitan ng mga bansa. Ang krisis sa pananalapi sa Asya noong 1997 at ang kasalukuyang krisis ay maaaring tingnan bilang resulta ng labis na pondo sa isang bahagi ng mundo na dumaloy sa ibang bahagi ng mundo na nagdulot ng sobrang pagpapautang ng mga institusyong pampananalapi. Ang sobrang pagpapautang ay nauwi sa kawalan ng katatagan sa sektor ng pampananalapi na kumalat sa iba pang sektor ng ekonomiya. Dahil dito, kinakailangang maitatag ang katatagang pampananalapi upang maiwasan ang mga negatibong epekto ng di-balanseng bayaring internasyonal sa mga ekonomiya sa mundo. Ang katatagang pampananalapi at seguridad ay maituturing na isang pandaigdigang produktong pampubliko dahil ang kawalan nito ay nauuwi sa negatibong epekto sa pangkalahatang komunidad ng daigdig. Subalit ang paghahanap ng katatagang pampananalapi bilang isang pandaigdigang produktong pampubliko ay humaharap sa ilang isyu. Isa ay ang problema sa pagbibigay ng tamang halaga sa katatagang pampananalapi bilang pandaigdigang produktong pampubliko. Dahil nag-iiba ang mga istruktura, kondisyon, at antas ng ekonomiya ng mga bansa, ang pagpapahalaga ng mga ito sa mga benepisyo ng mga pampublikong produkto ay nagkakaiba rin. Ang mga patakarang panrehiyon na nagsisikap na mapalawak ang produksyon ng mga rehiyonal na pampublikong produkto ay maaaring magbunga ng mababang antas ng produksyon dahil ang mga bansa ay itataguyod ang kanikanilang pambansang interes sa halip na ang mga rehiyonal na interes.

_____

The origin of a financial crisis can be viewed in terms of imbalances in the balance of payments among countries. The 1997 Asian Financial Crisis and the 2008 Global Financial Crisis can be viewed as a consequence of excess funds from one part of the globe that flowed to other parts of the world resulting to excessive borrowing by monetary institutions. Excessive borrowing resulted to the collapse of the monetary sector which affected all other sectors of the economy. Hence, there is a need to establish a stable currency to avoid the negative impacts of imbalances in the balance of payments. Thus, monetary stability and security must be established, which can be deemed as an international public good. However, the search for a stable currency as an international public good is facing contemporary issues. Since there are varying structures, conditions, and economic growth of various countries, priority towards establishing an international public good also varies. A regional policy that fosters the expansion of the production of regional public goods may even result to a lower production since different countries will prioritize their own national interests rather than the interest of the entire region.