Discipline: Psychology, Social Science, Technology, Sociology
Maraming hiwaga ang binubuo at inilalantad nang sabay ng makabagong teknolohiya sa kasalukuyang panahon. Ang lawak ng teritoryo sa kamalayan na sinasakop ng cyberspace sa pagbuo ng kaakuhan ng mga bayan at maging ng mga subkultural na grupo ay patuloy na nararamdaman at nasasaksihan. Masalimuot ang pagbibigay-kahulugan at pag-unawa sa pagiging bakla. Mula sa kaangkupan ng terminolohiyang gagamiting pantukoy sa mga “bakla” hanggang sa usapin ng kalayaan at karapatan ng mga ito ay patuloy na isang diskursong itinuturing na walang katiyakan at hangganan.
Ang papel na ito ay isang pagtatangka na unawain ang proseso ng pagbuo ng identidad ng mga bakla sa chatrooms bilang isang malay na selebrasyon ng kanilang sekswalidad. Itinuturing na ito ay akto ng pag-aangkin ng espasyong matatawag na espasyong bakla. Ang cyberspace bilang virtual na espasyo ay patuloy na lumalawak at nagbibigay-daan sa paglalaan ng mga espasyo para sa mga partikular na identidad.
Gamit ang iba’t ibang balangkas ng pagsusuri sa mga diskurso ng mga bakla sa chatrooms, dinalumat ang mga pinagdaraanang karanasan ng paglalantad at asimilasyon ng mga bakla tungo sa unti-unting pagkilala sa kanilang papel na gagampanan sa pagpapalaya ng sarili at kapwa bakla. Nilalayon ng papel na itong isatinig ang mga bulong-bulungan ng mga bakla sa kanilang nilikha at patuloy na nililikhang espasyong bakla sa cyberspace.
_____
Modern technology has been simultaneously forming and revealing many mysteries. The extent of territory of consciousness occupied by the cyberspace in forming the identities of nations and even of sub-cultural groups continues to be felt and seen. Defining and understanding gays has become complicated. From the aptness of terminologies used to depict gays to the issues of freedom and rights of gays remain a discourse deemed without certainty and without an end.
This paper is an attempt to understand the process of forming the identities of gays in the chatrooms as a conscious celebration of their sexuality. This is considered as an act of claiming a space which can be called a gay space. The cyberspace as a virtual space continues to expand and provide space for particular identities.
Using various frameworks in analyzing the discourses of gays in the chatrooms, the paper sought to discover their continuing experiences from coming out in the open and belonging to slowly recognizing their role in freeing/liberating one’s self and other gays. This paper aims to give voice to the murmurs of gays in the gay space which they created and continues to create in the cyberspace.