HomeMALAYvol. 23 no. 1 (2010)

Pagdalumat sa Bagyong Ondoy: Isang Konstruktibismo at Lokal na Pananaw ng mga Kasapi ng Sagrada Familia

Dindo Palce Café

Discipline: Social Welfare

 

Abstract:

Gamit ang konstruktibismo at lokal na pananaw bilang paradigma, layunin ng papel na ito ang kritikal na pagbaybay sa kahulugan ng Ondoy. Ito ay nakaangkla sa argumento na ang kalamidad ay hindi likas na pangyayari ngunit isang pangyayaring sosyal na nakabase sa buhay at estruktura ng lipunan. Sa kabuuan, sinagot ng papel na ito ang katanungang ano ang pagpapakahulugan ng mga kasapi ng Sagrada Familia sa Bagyong Ondoy. Sa pamamagitan ng pakikipanayam, kolektibong katutubong pakikipanayam at nakikiugaling pagmamasid bilang mga metodo, natunton ng pag aaral na ito ang iba’t ibang dalumat sa Ondoy. Ang mga dalumat na ito ay ang mga sumusunod: (a) sakuna, (b) trahedya, (c) bakweyt o bakweytan, (d) tulong, at (e) paghahandang espiritwal.

_____

This inquiry uses constructivism and indigenous perspective as a paradigm in critical pursuit to decipher the concepts of the storm Ondoy. The paper argues that calamity is not a natural phenomenon but rather social, contextualized within the structure of the society. In general, this paper seeks to know the meanings of storm Ondoy based on the point of view of the members of Sagrada Familia. Through in-depth interviews, collective indigenous interviews and participant observation as methods; the paper identifies indigenous concepts of the storm Ondoy. The indigenous concepts include: (a) disaster, (b) tragedy, (c) evacuate, (d) assistance, (e) spiritual preparation.

Parallel Title: Conceptual Indigenization of the Storm Ondoy: A Constructivist and Indigenous Perspectives of the Members of Sagrada Familia