HomeMALAYvol. 23 no. 2 (2011)

Kasaysayang Pasalita: Ang Kulturang Filipino at Karanasan ng mga Filipinong Mananaliksik sa Larangang Pasalita = Oral History: The Filipino Culture and the Experiences of Filipino Oral Historians Nancy Kimuell-Gabriel

Nancy Kimuell-gabriel

Discipline: Culture, Philippine Culture, Oral History

 

Abstract:

Dokumentasyon ito ng karanasan ng mga Filipinong mananaliksik na nagsasagawa o gumagamit ng metodo ng kasaysayang pasalita (KP). Ibinabahagi ng pag-aaral ang mga naranasang kultura ng mga Filipino sa proseso ng pakikisalamuha at pakikipanayaman ng mga Filipinong oral historian kasabay ng pagsesentro ng mga suliranin at kahirapan ng mga Filipinong istoryador sa metodong ito. Pinapayaman nito ang mga literatura tungkol sa metodolohiya ng kasaysayang pasalita na nakabatay pa mismo sa karanasan ng mga Filipino

Ilan sa mga nakitang kultura sa pag-aaral na ito ay ang sumusunod: 1) napakahalaga sa mga Filipino ng tiwala at pakikipagkapuwa; 2) kailangan ng pamamaraan ng pagkapa, pagmamasid at pakiramdam, pagkuha ng loob, pagbubukas ng loob, at pakikipalagayang-loob; 3) maselang paksa ang sex at kasarian; 4) kailangang marunong sa wikang Filipino at/o Tagalog at magkaroon ng kababayan/kadua/kabalen/kabanua sa panayam; 5) may gawing nagpaparinig, nangangantiyaw, nagbibigay-konsuwelo, at pasalubong; 6) nagpapakain, nagpapainom ng malamig, nagpapabaon, at nagpapahatid ang mga maykaya; 7) may kulturang “amuyong,” usisero, at kuyog ang mga maralita. Masasabi ring mapagbigay at mapagtiwala ng mga Filipino nang hindi nakasalalay sa pirma o nakasulat na dokumento.

 

This is a documentation of Filipino researchers’ experiences regarding their use of oral history methodology. The study imparts aspects of the Filipino culture which oral historians experienced during the actual conduct of the research while at the same time identifies the difficulties and problems encountered in the oral history method. The paper enriches the oral history literature by way of contributing the actual experiences of Filipino practitioners.

Filipino cultural aspects presented in this research are the following: 1) the paramount value of trust and the sense of other (kapuwa-tao) among the Pinoys; 2) the need to employ Filipino research methods such as getting the feel first (pagkapa), observation (pagmamasid) sensing or ascertaining (nakikiramdam), confidence-building (pagkuha ng loob), opening of one’s self (pagbubukas ng loob), and acceptance of the other (pakikipagpalagayang-loob); 3) sex is a delicate issue ; 4) knowledge of Filipino, Tagalog or other Philippine languages is desired as well as the presence of townmate, neighbor, relative, friend, or acquaintance during the interview; 5) those from the lower classes have the attitude of hinting (nagpaparinig,) teasing and heckling (nangangantiyaw), asking for consolation (nanghihingi ng-konswelo), and favors or souvenirs from travels (pasalubong); 6) those from the upper classes usually serve refreshments, give something as provision—usually food (nagpapabaon), send you off (naghahatid); 7) the culture of being inquisitive (usisero), uncalled for butting-in (amuyong), and swarming ( kuyog o sama-sama, kampihan) are evident also with the lower classes. It can also be said that Filipinos are generous and trusting and the sense of goodness (bait ng loob) and word of honor (isang–salita) are more important than a signature.