Discipline: Globalization, Maritime Industry
Upang makatugon sa pangangailangan ng globalisasyon sa industriyang maritimo, tumaas ang bilang ng mga tripulanteng multinasyonal na sumasakay sa barko. Sa kasalukuyan, ang Filipinas ang nagsusuplay ng pinakamaraming seaman sa buong daigdig. Natatangi ang kalagayan ng mga seaman dahil sa lugar paggawa na kadalasan ay naglalayag sa karagatan. Nakukupot sa espasyo ng barko at dagat, malayo ang mga marino sa suporta at serbisyong naibibigay ng mga institusyon sa lupa. Habang naglalayag, sinasabing palaging nasa peligro ang mga seaman dahil sa likas na panganib ng lugar paggawa, bagyo, at pirata. Kailangan nilang mapangibabawan ang pagod at pangungulila na dala ng matagal na pananatili sa laot. Sa ganitong kontexto pinag-aralan kung paano pinagsasamantalahan ng mga kapitalista ang mga seaman sa pamamagitan ng pagkontrol sa espasyo, lugar, at teritoryo – sa barko, dagat, dayuhang lupain, at sariling bansa.
As a result of the globalization of the maritime industry, the number of multinational crew dramatically increased. At present, the Philippines is the largest exporter of seafarers in the world. Working on ships entails unique working conditions that differentiate them from their land-based counterparts. While at sea, the seafarers experience higher level of risk due to bad working conditions, typhoons, and pirate attacks. On long voyages, they have to overcome loneliness and fatigue. In this context I argue that spaces, places and territories at sea and on land can be controlled to advance the objectives of capitalism. Separated from the institutions on land, the seafarers become more vulnerable to the various forms of abuses.