HomeMALAYvol. 23 no. 2 (2011)

Luntiang Pamayanan: Tungo sa Pag-unlad ng Kalikasan, Antas ng Pamumuhay at Wika / Green Communities: Towards Achieving Environmental, Livelihood & Linguistic Development

Rhoderick V. Nuncio

Discipline: Community Development, Environment

 

Abstract:

Nagmumungkahi ang papel na ito na bigyang-kapangyarihan ang mga luntiang pamayanan bilang sityo ng pag-unlad ng wika, kabuhayan, at kalikasan. Tatlong nagsasangandiwang lapit ang ginamit sa papel na ito upang higit na maunawaan ang panukalang Luntiang Pamayanan: sosyolohikal na imahinasyon, panlipunang polisiya at diskurso bilang pagkilos. Ang luntiang pamayanan ay bubuuin bilang bahagi ng ugnayan ng pribado’t publikong sektor tulad ng mga real estate company, pambansa at lokal na pamayanan, kooperatiba at mga pinansiyal na institusyon. Sisikapin nitong hindi masira ang balanseng ekolohikal ng kapaligaran habang dinedevelop ang mga pabahay ng mayayaman, maykaya, at mahihirap. Ang mga produktong agrikultural ay maaaring isama sa itatayong negosyong pangagrikultura sa tulong ng mga itatayong kooperatiba ng luntiang pamayanan. Habang tinutugunan nito ang kabuhayan ng mga tao, sisibol din ang posibilidad ng ugnayan ng mga tao at ang pag-unlad ng wika para sa ugnayang iyon. Katulad ng nangyari sa wikang Bahasa Indonesia bilang wika ng pamilihan, ang wikang Filipino ay higit na uunlad kung ito’y nakakabit mismo sa bituka ng mga tao at sa kabuuang pagkaunlad niya.

 

This paper proposes to empower green communities as sites for linguistic, economic and ecological development. Three interdisciplinary and intersecting concepts are used to foreground the proposed Green Communities: sociological imagination, social policy and discourse as action. Green communities are to be established using the public-private partnerships of real estate companies, national and local government, cooperatives, and financial institutions. This partnership shall put premium on the ecological balance in green communities while offering at the same time housing projects for the rich, the middle class and the poor. The agricultural products of green communities can be a source of income using an agribusiness framework that works with the help of local cooperatives. While it offers to address providing livelihood for the people, the possibility of communication and the necessity of a common language will emerge. Similar to what happened in Bahasa Indonesia, the Filipino language will further develop if it underscores to address the economic development and well-being of the people.