Discipline: History, Transportation
Malaking pagbabago ang naganap sa transportasyong panlungsod ng Manila sa pagsisimula ng kolonyalismong Amerikano. Sa loob ng unang dekada ng ikadalawampung siglo, dumating sa lungsod ang de-kuryenteng trambiya at ang kotse. Sa pananaw ng maraming Amerikano, nangahulugan ito ng modernisasyon ng sistemang pantransportasyon sa Manila lalo pa at makaluma para sa kanila ang mga sasakyang dinatnan nila rito tulad ng karomata, bangka, at isang trambiyang hinihila ng kabayo. Hindi nagtagal, naisalin ang “modernisasyon” ng transportasyon mula sa aspektong teknolohikal tungo sa panlipunang kaunlaran. Naging bahagi ang de-kuryenteng trambiya, mga kotse, at makabagong imprastraktura ng kolonyal na proseso ng social engineering upang tulungan diumano ang mga Filipino na umusad mula sa pagiging katutubo tungo sa pagiging mamamayan. Mahalaga rin ang papel ng mga naturang sasakyan sa pag-usbong ng isang “modernong” uri ng mga manggagawa sa katauhan ng mga motormen, kunduktor, at tsuper. Mabisa ang kapangyarihang ideolohikal ng transportasyong panlungsod sa Manila upang itaguyod ang diskurso ng “modernidad” sa lipunang kolonyal.
Major changes occurred in the urban transportation system of Manila at the start of the American colonial period. The first decade of the twentieth century saw the arrival of the electric streetcar and the automobile in the city. The Americans saw this as the modernization of Manila’s urban transportation system given that they viewed the vehicles they first encountered in the city, such as the carromata, banca, and the horse-drawn streetcar, as antiquated transport modes. Eventually, the idea of transport “modernization” was translated from its technological sense to the concept of societal development. The electric streetcar, the automobile, and their infrastructure became part of the colonial process of social engineering that was purportedly intended to help Filipinos develop from natives to full-pledged citizens. These modern vehicles also played an important role in the emergence of a “modern” class of workers as personified by streetcar motormen, conductors, and chauffeurs. The urban transportation system of Manila proved to be a potent ideological tool in foregrounding the discourse of modernity in a colonial society.