HomeMALAYvol. 23 no. 2 (2011)

Buyo, Buyung at Bae: Ang Pagnganganga sa mga Epikong Filipino = Buyo, Buyung and Bae: Betel Chewing in Philippine Epics

Lars Raymund C. Ubaldo

Discipline: History, Philippine Culture

 

Abstract:

Gamit ang mga epikong Aliguyon ng mga Ifugao, Lam-ang ng mga Ilokano, Humadapnon ng mga Sulod ng Gitnang Panay, Sandayo ng mga Subanon, Kudaman ng mga Palawan, at Agyu ng mga Manobo, uunawain sa papel na ito ang kultura ng pagnganganga sa iba’t ibang grupong etnolingguwistiko sa Filipinas. Anuman ang kaganapan—pakikidigma, panliligaw, panggagamot, pakikipag-ugnay sa mga yumao o pakikipagkasundo sa kaaway—hindi nawawala sa mga epiko ang nakakatawag-pansing paglalarawan sa pagnganganga. Kakabit din ito ng kuwento ng husay sa pakikidigma ng mga buyung (bayani) at ng kagandahan ng kabinukutan at bae (magagandang dalaga). Para sa papel na ito, apat na magkakaugnay na tema ng pagnganganga sa epiko ang sinalungguhitan dito: una, ang “mahiwagang” katangian ng mga sangkap ng nganga; ikalawa, ang papel ng pagnganganga sa buhay at gawain ng isang mandirigma; ikatlo, ang ginagampanan ng mga kababaihan sa paghahanda ng nganga; at huli, ang mga sinusunod na panuntunan sa pagnganganga.

 

This paper interprets the custom of betel chewing among various Philippine ethnolinguistic groups with the epics Aliguyon of the Ifugaos, Lam-ang of the Ilocanos, Humadapnon of the Sulods of Central Panay, Sandayo of the Subanons, Kudaman of the Palawans, and Agyu of the Monobos as references. In these epics, interesting descriptions of betel chewing are always present particularly during significant events such as war and peace pact, courtship, healing and establishing relations with the soul of dead ancestors. Stories about brave warriors (buyung) and beautiful maidens (kabinukutan and bae) are also associated with this tradition. In this paper, four related motifs of betel chewing are highlighted: firstly, the “strange” characteristics of the ingredients of betel quid; secondly, the significance of betel chewing in the life and activities of warriors; thirdly, the role of beautiful maidens in the preparation of betel chew; and lastly, the standard patterns of behavior related to betel chewing.