HomeMALAYvol. 24 no. 1 (2011)

Pilosopiyang Pang-ekonomiya nina Recto, Tañada, at Diokno: Isang Paghahabi = The Economic Philosophy of Recto, Tañada, and Diokno: A Synthesis

Bernardo N. Sepeda

Discipline: Economics, Philosophy, Social Science

 

Abstract:

Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangka na maghain ng mga prinsipyong pang-ekonomiya na maaaring pagsandigan ng kaunlarang pang-ekonomiya para sa mga Filipino. Hinabi natin ang mga kaisipan sa ekonomiya at kaunlarang pang-ekonomiya nina Claro M. Recto, Lorenzo M. Tañada, at Jose W. Diokno, tatlo sa mga kinikilalang kontemporaring makabayang Filipino. Ipakikita natin na kahit isinulat nila ang kanilang mga diwa noong ikalawang bahagi ng nakaraang siglo, maaaninag pa rin ang kadalisayan at pagiging kontemporari ng kanilang mga pilosopiya. Datapwat maaari pa ring pagsandigan ang mga nasabing diwa ng mga patakarang pang-ekonomiya sa kasalukuyang panahon. 

Ito ay isang ideolohikal na kasaysayan ng mga pang-ekonomiyang diwa nina Recto, Tañada at Diokno na gumamit ng teorya ng mga pagsubok at pagtugon ni Arnold Toynbee. Ipakikita natin na ang mga diwang ilalarawan ay ang mga naging pagtugon ng mga nasabing makabayan sa mga pang-ekonomiyang pagsubok na hinarap ng sambayanang Filipino noong panahon nila. Ang pangunahing salik ng datos ay ang kanilang mga isinulat na sanaysay at talumpati.

Nahahati sa tatlong bahagi ang paglalahad. Ang una ay tungkol sa konsepto ng ekonomiya, ang mga katangian nito gayundin ang mga magpapatakbo nito o mga ekonomista. Ang ikalawa ay tungkol sa konsepto ng kaunlarang pang-ekonomiya, mga patakaran nito gayundin ang papel dito ng mga banyagang mamumuhunan. Ang panghuli ay paghahain ng ilang mga hamon at mungkahi batay sa mga prinsipyong pang-ekonomiyang ilalarawan.

 

This study is an attempt to present some economic principles that may serve as foundation for economic development for Filipinos. We weave together the thoughts on economy and economic development of Claro M. Recto, Lorenzo M. Tañada, and Jose W. Diokno, three of the great contemporary Filipino nationalists. We will show that even though they wrote their ideas during the second half of the last century, their philosophies are still relevant today hence can still be used as foundation for our present economic policies. 

This is an ideological history of the economic thoughts of Recto, Tañada and Diokno that used the theory of challenges and responses of Arnold Toynbee. We will show that their philosophies were their responses to the economic challenges Filipinos faced during their time. The main source of data were the essays and speeches that they wrote. 

The presentation is divided into three parts. The first part is about their concept of economy, its characteristics as well as the qualities of economists. The second part discusses their concept of economic development, its policies as well as the role of foreign investors. The last part presents some challenges that flow from the economic principles described.