Discipline: Agriculture, Pest Management, Agrikultura
Ang paglaganap ng sakit na rinderpest, isang uri ng sakit ng hayop na pumapatay sa kalabaw at baka, ay isa sa mga naging suliraning pang-agrikultura ng pamahalaang Amerikano sa bansa nang sakupin nila ang Filipinas noong 1898. Upang solusyunan ang problemang ito, nagpatupad ang mga Amerikanong opisyal ng isang seryosong kampanya upang tuluyang mahinto at masawata ang paglaganap ng sakit na ito. Sa kasamaang-palad, hindi naging matagumpay ang mga programang kanilang ipinatupad dahil hindi naaayon ang mga ito sa kultura ng mga Filipino. Ipapakita sa pag-aaral na ito na marami sa mga programang ipinatupad ng kolonyal na pamahalaang Amerikano laban sa rinderpest ang hindi naging matagumpay sapagkat hindi ito sinuportahan ng mga Filipino bunga ng kawalan ng pagkaunawa ng mga Amerikanong opisyal sa kultural na ugnayan ng mga Filipino sa kanilang mga alagang hayop.
Rinderpest, an infectious disease infecting carabaos and cattle, was an agricultural problem of the American colonial government in the Philippines. To address this problem, the American colonial officials launched an all-out-campaign against this dreaded animal disease. Unfortunately, when the American colonial government implemented their control and eradication programs against the disease, they did not consider the strong emotional attachment of the Filipinos with their bovine animals. The paper examines the reasons why the different programs implemented by the American colonial government against rinderpest were unsuccessful. The failure of the control and eradication programs against this infectious disease can be attributed primarily to the lack of understanding and consideration of the American colonial officials to the Filipino's strong emotional bond to his beast of burden.