HomeMALAYvol. 24 no. 2 (2012)

Isang Pagpapanibago ng Edukasyon sa Filipinas Batay sa Isang Makabayang Pilosopiya = A Renewal of Education in the Philippines Based on a Nationalist Perspective

Bernardo N. Sepeda

Discipline: Education

 

Abstract:

Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangka na unawain ang pinag-ugatang kasaysayan ng kalagayan ng edukasyon sa Filipinas upang makapagmungkahi ng pagpapanibago nito. Ginamit sa pagsusuri ang pananaw at pilosopiya ng pagkamakabayang Filipino. Batay sa nasabing pagsusuri, nilalayon nating makapaghain ng ilang katangian ng isang makabayang pilosopiya ng edukasyon at makapagmungkahi ng isang pamamaraan ng pagpapanibago ng edukasyon sa kasalukuyan. Hinati natin sa tatlong bahagi ang paglalahad: Una, ating ilalarawan ang isang critique sa pinag-ugatang kasaysayan ng sistema ng edukasyon sa kasalukuyan gamit ang makabayang pilosopiya; Ikalawa, batay sa nasabing critique, magmumungkahi tayo ng tunguhin at mga katangian ng isang makabayang pilosopiya ng edukasyon; Ikatlo, bilang halimbawa, ilalahad natin ang isang mungkahing pamamaraan sa pagpapanibago ng edukasyon sa Filipinas.


This study is an attempt to understand the historical roots of the present educational situation in the Philippines in order to propose a particular way to renew it. In our analysis, we used the world view and philosophy of Filipino nationalism. Based on the said analysis, we aim to offer some characteristics of a nationalist philosophy of education and propose a way of renewing the educational system at present. We divided the presentation into three: first, we would describe a critique on the historical roots of our educational system at present using a nationalist philosophy; second, based on the said critique, we will propose a goal and some characteristics of a nationalist philosophy of education; third, as an example, we will describe a way on how to renew the educational situation in the Philippines.