Discipline: Literature
Si Leoncio P. Deriada ang kinikilalang "Ama ng Kontemporaring Literatura sa Kanlurang Bisayas." Ang papel na ito ay tungkol sa kaniyang buhay bilang manunulat at guro, at sa kaniyang kontribusyon sa pagpapalaganap at pagdedevelop ng panitikan ng Rehiyon 6 simula noong kalagitnaan ng dekada 90 hanggang sa kasalukuyan sa pamamagitan ng pagbigay ng mga palihan at pag-edit ng mga antolohiya, lalo na sa mga wikang Kinaray-a at Aklanon. Ipinapaliwanag din dito kung ano ang mga puwersang lumikha kay Deriada bilang "inhenyero ng literatura." Bagamat Kanlurang Bisayas ang lunan ng kaniyang mga pagsisikap, pambansa pa rin ang sensibilidad ni Deriada bilang manunulat at alagad ng sining.
Leoncio P. Deriada is generally recognized as the "Father of Contemporary Literature in Western Visayas." This paper is about his life as a writer and teacher, and his contribution in promoting and developing literature in Region 6 of the Philippine archipelago from the mid-90s to the present by giving workshops and by editing anthologies, especially writing in Kinaray-a and Aklanon. The forces that created Deriada as a "literary engineer" are also explained. Although the main locus of Deriada's efforts is the Western Visayas region of the Philippines, his sensibilities as a writer and cultural worker is truly national.