HomeMALAYvol. 25 no. 2 (2013)

Ang Pagsasa-Filipino ng mga Panoorin sa Daigdig ng Telebisyon, Pagda–dub ng Anime, at Paglaganap ng Wikang Filipino sa Bawat Sulok ng Mundo: Mga Patunay na ‘Moog’ ng Pagka-Pilipino

Ramilito B. Correa

Discipline: Humanities

 

Abstract:

Mahalaga ang naging papel ng wikang Filipino upang higit na mapatunayan ang katatagan at pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Ang pagsasa-Filipino ng mga panoorin sa mundo ng telebisyon, lokal man o dayuhan, ay naging pangunahing dahilan upang tumaas ang reyting ng mga ito dahil sa ang mga pinanonood ay higit na naintindihan ng masang Pilipino. Lumitaw ang naging kapangyarihan ng wikang Filipino na gamitin ng bawat network sa bawat palabas upang mapanitili nito ang mataas na reyting. Naging mahalagang sangkap din ang wikang Filipino sa pagda-dub ng mga panooring anime dahil sa kasikatang dulot nito sa telebisyon at pelikula. Lumaganap naman ang paggamit at pag-aaral ng wikang Filipino dahil lumaganap din ang paghahanapbuhay ng mga Pilipino sa iba’t ibang sulok ng bansa. Pinag-aaralan at ginagamit ang wikang Filipino bilang pangalawang wika sa mga bansa sa Europa, Asya, Hilagang Amerika at Timog Amerika. Panlimampu’t isa ang wikang Filipino sa pinakamaraming nagsasalita nito sa mundo.

Filipino language plays an important role to further prove the stability and identity of the Filipinos. The translation in Filipino language of different shows in the world of television has become a primary reason why these shows are top-ratings; moreover it helps the Filipino mass audience understand them better. The power of using Filipino language in different shows by different networks prevails to obtain their power ratings. Filipino language has also become an important element in dubbing the anime shows because of their popularity in televison and cinema. Studying and using Filipino language becomes rampant worldwide because more Filipino work in different countries around the world. Filipino as a second language is being studied in different countries like in Europe, Asia, North America and South America. It ranks 51st as one of the most commonly spoken languages.