Discipline: Literature, Languages
Tulad ng ibang wikang buhay, hindi naiiba ang wikang Filipino sa iba pang wikang ginagamit ng tao sa iba’t ibang panig ng mundo sa mga pagbabagong nagaganap- sa usapin man ng makrolingguwistiks o mikrolingguwistiks. Ang papel na ito ay isang pagtatangkang pagsusuri sa kalakaran o signal na nagaganap sa wikang Filipino. Partikular na sinuri ay ang pagtalakay sa gamit ng “siya” hindi lamang panghalip panao kundi napansin ng mananaliksik na isa itong kalakaran na umiiral sapagkat ginagamit ang “siya” bilang pantukoy rin sa ibang bagay o pangyayari at iba pa. Gayundin, isa pang signal ang nakita sa pagbabago ng gamit ng wikang Filipino sa ngayon, lalo na sa mga kabataan at mag-aaral, ang gamit ng “kunwari o kunyari” bilang pamalit sa salitang halimbawa. Ang mga nailahad na usapin tungkol sa halimbawa-kunwari/kunyari at siya ay ilan lamang sa masusing obserbasyon sa pasulat at pasalitang nakaharap ng mananaliksik na tila isang lingguwistikong penomenon (ginamit ni Ople) o kalakaran at signal (ginamit ni Espiritu) na patuloy ang pag-igpaw nito sa ating gramatika.
Inilahad at dinalumat ang mga kaso ng kunwari/kunyari at siya na tahasang maituturing na isa lamang sa mga kalakaran at signal sa gramatikang Filipino sa kasalukuyan. Sa usaping ito, nararapat at panahon na siguro upang bigyan ng seryosong pansin ang mga nabanggit sa pagbubuo ng makabagong gramatikang Filipino. Datapwat, hindi naman ninanais ng mananaliksik na ilagay ang mga kasong nabanggit sa tuntuning gramatika sa kasalukuyan. Ito ay higit na nangangailangan pa ng mahaba-habang panahon upang ito’y dalumatin, sipatin, at limiing mabuti sa pagbubuo ng ating gramatika. Ngunit ang lahat ng malaki ay nagsisimula sa maliit at ang maliliit na hakbang ay may patutunguhan pa rin.
Filipino has no difference from other existing languages used in other parts of the world. Just like other languages, Filipino language also undergoes changes in both aspects of macro linguistics and micro linguistics. This paper is an attempt to scrutinize the signal of change and presently occurring transformations in Filipino language. Particularly, this paper focuses on the analysis of the uses of “siya”— its notional grammatical function as a personal pronoun and as a pronoun that is used to refer to things, events, etc. Another sign of change happening in Filipino language, especially in terms of the usage of students and people of today’s generation, is the use of the words “kunwari or kunyari” as substitute for the word “halimbawa”. The said issues of modification in the words “halimbawa-kunwari/kunyari” and “siya” are just some examples of the keen observations in written and spoken Filipino language that seem to be linguistic phenomenon (according to Ople) or present occurrences and signals (according to Espiritu) that are continuously affecting the Filipino language.
The cases of the use of “kunwari/kunyari” and “siya” were analyzed and presented though they were just two of the many present occurrences and signals of change in Filipino language in the present time. In this issue, it is perhaps the right time to give serious attention to the said conditions in developing the new Filipino Grammar. However, the researcher does not aim to include the said changes in the present grammatical rules of Filipino language for such objective requires ample time of analysis and careful study to create new sets of grammar rules. Nevertheless, big things come from small things and even small steps can lead to something. Hence, the researcher hopes that this paper will lead into something and will make an impact in the analysis of Filipino language.