HomeMALAYvol. 25 no. 2 (2013)

Ang Ebolusyon ng Bangka sa Austronesya: Implikasyon sa Pre-histori ng Pilipinas = The Early Evolution of Boats in Austronesia: Profound Implication on Philippines Prehistory

Efren B. Isorena

Discipline: Social Science, History

 

Abstract:

 

Ang Austronesya ay lugar ng kahanga-hangang pagkalat ng kultura sa panahong itinuturing na imposible ang paglalayag sa kalawakan ng karagatang sumasaklaw dito. Ang pag-unawa sa sinaunang pagkilos ng tao sa Austronesya ay mahalagang maunawaan sa konteksto ng kultura ng bangka bilang isang kompleks na binubuo ng salimbayang pag-uugnayan ng materyal na kapaligiran, kapaligirang tubigan (maritime environment) teknolohiya, at ng tradisyong maritimo (paggawa ng bangka at pagsakay) na nasa likod ng ebolusyon ng bangkang Austronesyano. Ang bangka, kung gayon, ay maituturing na repositoryo ng kabuuang kulturang maritimo at ang ebolusyon nito ay mapagpahiwatig ng mga naging pagkilos at pag-unlad ng tao sa panahon ng sinaunang ekspansiyong Austronesyano. Sa ganitong konteksto ginamit ng pag-aaral ang bangka bilang batis pangkasaysayan. Binigyan ng korelasyon ng pag-aaral ang ebolusyon ng bangka at ang pag-unlad ng sinaunang pamumuhay. Ang implikasyon nito sa Pilipinas ay ang kronolohikong pag-unlad ng bangka mula sa balsa (rafts), bangkang inukab (dugouts), bangkang tinabla (plank-built boats), at katigan (outrigger boats) na kumatawan sa pag-unlad ng panirahanan at pamumuhay mula sa nomadikong uri ng pamumuhay sa panahong Paleolitiko patungo sa sedentarisadong buhay ng panahong Neolitiko at mga tatag na pamayanan ng panahong Metal hanggang sa lipunang Barangay ng ika-16 na siglo.

The vast expanse of open sea that comprises Austronesia has authored the most fascinating story in the history of early human expansion and cultural movement. It is imperative to understand this early movement in the context of Austronesia’s ‘boat culture complex’ where material environment, maritime environment, technology, and the people’s maritime tradition (boatbuilding and sailing) formed an interacting complex, with a change in one affecting the others, providing the stimulus for the evolution of Austronesian boats and its corresponding impact on the development of the early maritime societies of Austronesia. The profound implication of these development on the Philippines is the chronological evolution of boats from rafts to dugout to plank boats and finally to outrigger boats. The study suggests the evolution of Philippines boats have a corresponding effect on the development of early Philippine society from the cave habitation sites during the Paleolithic (67,000-5,000 BP) to coastal/riverine sedentary settlements in the Neolithic (5,000 BP – 500 AD) and the more permanent villages by the metal period (500 -900 AD) towards the Baranganic society until the 16th century.