Discipline: Literature
Marami nang mga akdang matagumpay sa pag-aaral ng pag-aangkin ng bayan kay Rizal. Naging malakas ang mga akda sa kanilang demonstrasyon ng mga pagbubuo ng kaalamang bayan mula sa panig ng bayan mismo. Gayunman, masasabing naiwan naman ang mismong mga pagsisikap ni Rizal sa sarili niyang pagkilala sa ganitong uri ng kaalaman. Hindi pa nabibigyang pansin ang mga detalye ng kaniyang pag-aaral mula sa kaniyang mga anotasyon kay Morga hanggang sa mga etnograpikong pag-aaral na maaaring hindi tapos, inilimbag o binasa kaya bilang mga panayam sa Europa. Ano bang salaysay ang matatagpuan sa kaniyang mga akda tungkol sa kaalamang bayan at ano-anong kabuluhan ang maaaring makita rito na makapagpapaunawa sa mga pangyayari sa kaniyang buhay at buhay ng binubuong bansang Pilipino? Sa pamamagitan nito, umaasang makapagbibigay ng isang parangal at kontribusyon sa malawak na sakop ng mga pag-aaral sa Pambansang Bayani ng Pilipinas.
Several works have been successful in their study on the people’s appropriation of Rizal. These works have been strong in their demonstration of the people’s construction of their knowledge from the perspective of the people themselves. However, what was apparently left behind is Rizal’s own regard for this kind of knowledge. Not much attention has been given to the details of his studies from the annotations of Morga until the ethnographic studies, finished or not, published or read as lectures in Europe. What narratives could be seen in these works of Rizal? What meanings could be found in them which would lead to the understanding of his life and the life of the nation?