HomeMALAYvol. 25 no. 2 (2013)

Ang Internet Bilang Espasyong Pulitikal sa Pilipinas: Pakikilahok, Pamamahala, at Protesta sa Cyberspace = Internet as a Political Space in the Philippines: Participation, Governance, and Protest in the Cyberspace

Carl Marc Lazaro Ramota

Discipline: Social Science, Technology

 

Abstract:

Tinatalakay ng artikulong ito kung paano pinalalawak ng internet ang saklaw ng “pampublikong espasyo” sa tradisyon ni Jurgen Habermas sa loob ng mga estadong nasa mahabang proseso ng demokratisasyon at konsolidasyon. Binibigyang-diin din nito ang epekto ng blogging at social media sa kalagayang demokrasya at politika, pamamahala, repormang elektoral at protesta sa mga bansang nasa Third World partikular na ang Pilipinas. Kasama ring pinag-aralan ang bagong Cybercrime Law sa bansa at ang mga pagkilos sa ‘online’ at ‘offline’ laban dito. Ipinapakita rin ang mga balakid sa paggamit sa internet bilang larangan ng pagsusulong ng reporma’t pagbabago.

The paper focuses on how the Internet provides an opportunity to extend the “public sphere” in the Habermasian tradition within a consolidating democracy. It concentrates on blogging and the use of social media and its implications for political democracy, governance, electoral reforms and protests in Third World countries, particularly the Philippines. It also includes a study on the new Philippine Cybercime Law and the ‘online’ and ‘offline’ protests against it. It cautions against the limitations of using the internet as an arena of struggle for reform and changes.