HomeMALAYvol. 26 no. 2 (2014)

Arkitektura at Globalisasyon sa Pilipinas: Isang Pagbabaka-sakali Tungo sa Isang Kritikal na Teoryang Kultural /Architecture and Globalization in the Philippines: An Attempt at a Critical Cultural Theory

Jovito V. Cariño

Discipline: Architecture

 

Abstract:

 Kabilang ang Pilipinas sa mga bansa, hindi lamang sa Asya kundi pati na rin sa buong mundo, na kakikitaan ng ibayong sigla ng modernisasyon. Isa sa mga pinakamalinaw na katibayan nito ang malawakang paglaganap ng urbanisasyon gaya ng pinapatunayan ng mga nagtatayugang condominium, mamahaling kabahayan at naglalakihang shopping mall na sagisag ng masiglang daloy ng kapital sa bansa. Ito ang ng larawan modernidad bunga ng globalisasyon. Sa kabila ng mga pagbabagong ito, hindi maikakaila ang mga aspekto ng modernisasyon na tuwirang kabaligtaran ng kanyang mapanghalinang larawan: masikip na trapiko, malalang problema sa pabahay, sisiksikang migrasyon sa lungsod, di mapuksang problema sa basura at ang pinakamabigat sa lahat, ang pagsulong ng isang mentalidad na mapamuksa ng kalikasan. Ekta-hektrayang bukirin, tubigan, kakahuyan at mga kabandukan ang kinailangang magsakripisyo upang bigyang daan ang bukang-bibig na mga imprastraktura ng pagbabago. Tila ba pagbabago lamang ang tanging mabuti na dapat bigyan ng katuparan at lahat, kahit na ang kaligtasan ng kapaligiran, ay maaaring isantabi sa ngalan nito. Sa ganitong usapin, mahalaga ang papel ng arkitektura. Naiiba ang arkitektura dahil sa pambihira nitong katangian bilang pinaka-publiko sa lahat ng mga anyo ng sining. Bilang anyo ng sining, may autonomiya ang arkitektura na paboran o tutulan ang mga epekto ng modernidad. May direkta din itong kapangyarihan na maimpluwensiyahan ang uri ng pamumuhay gayundin ang kaisipan ng mga taong nakikinabang dito, ibig sabihin, tayong lahat. Kritikal samakatwid ang papel nito hindi lamang bilang isang partikular na sining kundi bilang puwersang kultural na kumakatawan sa katangian ng panahon at sa uri ng pamumuhay na umiiral sa isang lokalidad. Kaugnay ng mga ito, paano nga ba susuriin ang estado ng arkitektura sa panahon ng globalisasyon sa Pilipinas? Upang masagot ang naturang tanong, tatalakayin ng papel na ito ang posibilidad ng pagkakaroon ng isang kritikal na teoryang kultural na magiging batayan sa pagsuri ng ugnayan ng arkitektura at globalisasyon sa ating bansa. Nagbabaka sakali din ang papel na ito na makapag-ambag sa pagbuo ng maka-Pilipinong teoryang kultural at sa pagsusulong ng kritikal na pagsipat sa arkitektura sa kunteksto ng dialektikong relasyon ng ekonomikong kaunlaran at integridad ng kalikasan.

_______________________________

 

 

 

 Within Asia and across the globe, Philippines is one of the countries where modernization is gaining ground. This is manifested, among others, by the rise of urban centers where one finds the concentration of high-rise condominiums, opulent residences and mammoth shopping malls which are themselves results of a more fluid capital inflow into the local economy. This is one of the pictures of modern life borne by globalization. Despite the apparent affluence however, one cannot simply gloss over certain aspects of globalized society which run counter to the alluring images of progress: heavy traffic congestion, inadequate housing, unmitigated urban migration, pestering garbage problem and worse of all, the emergence of a kind of mentality which pays little regard to the welfare of ecology. Hectares upon hectares of farmlands, waterways, forests and mountains have been wasted in the name of the so-called infrastructures of economic progress. This state of affairs makes an impression that financial prosperity is the only thing worth pursuing notwithstanding the environmental costs. It cannot be denied that architecture has a huge stake in this situation.. Architecture distinguishes itself as the most public among the arts. As an art form, it is free either to embrace or reject the effects of modernity. It can likewise help shape the way of life and worldview of its users, which means, all of us, consumers all of this art. Architecture therefore has a crucial role not only as an individual art form but also as cultural expression which manifests in a very concrete form the spirit of the times as well as the quality of life in a given locality. In the light of the foregoing, how must one view the state of architecture in the Philippines in the age of globalization? To explore this question, this paper will examine the possibility of developing a cultural theory which can serve as a basis of the critique of architecture and its relation with globalization in the Philippines. It likewise aspires to make a contribution to the articulation of a Filiipino cultural theory as well as the critical appreciation of architecture in the context of the dialectical relation between economic progress and the integrity of environment.