HomeMALAYvol. 26 no. 2 (2014)

Engkuwentro: Kayaw kontra Digmang-Galera, 1565-1571 / The Encounter: Kayaw vs. Galley-Warfare, 1565-1571

Efren B. Isorena

Discipline: Maritime Studies

 

Abstract:

Ang inisyal na pagtatagpo ng mananakop at katutubong lipunang Pilipino ay isang mahalagang hugpungang pangkasaysayan na kung mauunawaan nang lubos ay maaaring makapagbigay linaw sa naging tunguhin (pattern) ng ugnayang kolonyal sa buong kahabaan ng dominasyong Espanyol. Sinuri ng pag-aaral ang inisyal na pagtatagpong ito mula sa lapit ng maritimong kasaysayan. Isinulong ng pag-aaral ang ideya na isang conquista maritimo, sa tradisyon ng digmang galera sa halip na ‘misyon’ - ng Kristyanisasyon at Sibilisasyon, ang ginawang pananakop ng Espanyol. Sa kabilang banda, ang naging pakikitungo dito ng lipunang Pilipino ay mula rin sa konteksto ng sariling kultura ng pagdaragat na nagpundar sa lipunang barangay. Ang pinakahayag at makapangyarihang ekspresyon ng kulturang ito ay ang kayaw. Sa ganitong konteksto ang pagtatagpo ng Espanyol at Pilipino ay engkuwentro ng dalawang lipunang maritimo. Sa kanilang pagtatagpo, naging hayag ang pagkakaiba ng dalawang kulturang maritimo sa materyal na aspekto at sa lebel ng pagpapakahulugan. Magkagayunman, ang mga eksternal na anyo ng kapwa tradisyong maritimo, gaya ng : digmang-galera/kayaw, tributos/tubos, pambibihag/alipin, primus-inter-pares/’vassalage’ ay may mga pagkakatulad sa mga panlabas na pagpapahayag nito na nagsilbing kodigo o alituntunin (code) upang payagan ang negosasyong kultural. Mula sa mga inisyal na pagkakaunawaang ito nailatag ang pundasyon ng lipunang kolonyal.

 

___________________________

 

 The initial colonial encounter between the Spaniards and Filipinos in the period between 1565-72 is a nodal point in history. If understood correctly it could provide a significant insight as to the tendencies that guided the colonial relationship throughout the entire Spanish colonial period. The present study approaches the study of this period from a maritime perspective. It forwards the notion that the Spanish conquest was a maritime conquest in the tradition of galley warfare, a shift from the common theme of Spanish civilizing and Christianizing mission. The Filipino reaction, on the other hand, is viewed within the context of its long maritime history that produced the baranganic society the most powerful expression of which was the tradition of kayaw. The initial colonial encounter, in this context, was therefore a face-off between two maritime cultures. Immediately manifest was the wide disparity in the material expression, along with the ideological expression, of their respective maritime cultures. However, the external demonstrations of these culture, such as : galley-warfare/kayaw, tributos/tubos, raiding for captives/slavery, chiefdom/’vassalage’, provides a semblance of a code which the two divergent cultures use in communicating. These codes offered an opportunity for cultural negotiation which laid the groundwork for the creation of the colonial society.