Discipline: Philippine History
Krikal na sinusuri sa papel na ito ang epekto sa kabuhayan at antas ng pamumuhay ng mamamayan ng siyudad ng Maynila ng mga pangyayari sa panahon ng ikalawang yugto ng Rebolusyong Pilipino ng 1896 at Digmaang Pilipino-Amerikano. Nakasentro ang talakay sa pagsusuri sa epekto sa kabuhayan lalo na sa antas ng pamumuhay sa siyudad ng pag-aagawan sa kontrol na pampolitika sa siyudad ng Maynila ng mga puwersang Amerikano, Espanyol at Pilipino matapos ang Labanan sa Look ng Maynila noong Mayo 1, 1898 hanggang sa pagtatatag ng Pamahalaang Sibil noong Hulyo 4, 1901. Gamit ang mga datos na pangkabuhayan, patotoo, salaysay at iba pang primaryang sanggunian sa panahong sakop ng pag-aaral, kritikal na sinuri at tinalakay ang mga pagbabago sa ilang salik pangkabuhayan gaya ng daloy ng suplay ng kalakal at serbisyo, negosyo at industriya, trabaho, at presyo ng bilihin, at ang naging implikasyon nito sa antas ng pamumuhay ng siyudad ng Maynila at mamamayan nito ng mga kaganapan sa panahon ng Rebolusyong Pilipino ng 1896 at Digmaang Pilipino-Amerikano.
_____________________________
This paper critically analyzes the effects of the continuing war and revolution to the economy, livelihood and standard of living in the City of Manila during the Second Phase of the Revolution of 1896 and the Filipino-American War from 1898 to 1901. Through critical examination of economic data, memoirs, accounts, and other primary sources of the period, the paper critically analyzes the changes in the flow of goods and services, businesses and industries, employment, prices of commodities, and other economic factors, and its implication in the standard of living of residents in the City of Manila particularly after the Battle of Manila Bay on May 1, 1898 until the establishment of the Civil Government on July 4,1901.