Discipline: Languages
Sa mahigit isang siglo, litaw ang malaking papel na ginagampanan ng wikang Ingles sa kasaysayang linggwistiko ng Pilipinas. Nang sakupin ng mga Amerikano ang Maynila noong 1898, kaagad silang bumuo ng mga paaralan kung saan nagsilbing unang guro ang mga Sundalong Amerikano at Ingles ang naging midyum ng pagtuturo. Simula noon, nagpatuloy ang pag-iral ng nasabing wika sa pagtuturo at pagkatuto. Sa antas primarya pa lamang ay hinahasa na ang mga mag-aaral sa pagsasalita ng wikang Ingles na nakabatay sa pamantayang Amerikano. Marami pa ring asignatura, gaya ng Matematika at Agham, na konserbatibong itinuturo sa Ingles. Lahat ng ito ay nagbubunsod ng positibong atityud sa wikang Ingles – pagtingin dito bilang wika ng edukado at nakapangyayari – ng mga Pilipino. Ang papel na ito ay naglalayong suriin ang motibasyon at atityud sa wikang Ingles ng mga Pilipino at ang implikasyon nito sa pambansa at mga panrehiyong wika. Tinitingnan nito ang naging epekto ng mga patakaran sa edukasyon mula pananakop ng mga Amerikano hanggang kasalukuyan sa paghubog ng kamalayan ng mga Pilipino hinggil sa Ingles at kulturang Amerikano. Sa inisyal na pagtataya, kapwa lumilitaw ang instrumental at integratibong motibasyon sa pagkatuto ng Ingles na siyang lumilikha ng mga partikular subalit nag-uugnayang resulta na pumapabor sa nasabing wika. Sa huli, inilutang sa pag-aaral ang usapin hinggil sa sikolohikal na aspekto ng pagpaplanong pangwika na may mahalagang gampanin sa hamong nililikha ng global na wika sa pambansang realidad.
________________________
For more than a century, English has played a vital role in the linguistic history of the Philippines. When the Americans occupied its capital Manila in May 1898, they immediately started building schools wherein American soldiers served as the first teachers and English was the medium of instruction. Since then, the teaching and learning of this foreign language has continued. As early as preschool, children are trained to speak American Standard English. Subjects, especially Science and Mathematics are solely taught in the said language. All of these contribute to the positive attitudes toward English of many Filipinos – seeing it as the language of the learned and the influential. This paper investigates the language motivations and attitudes of Filipinos toward learning English and its implications on Filipino as a national language as well as on other regional languages in the country. This article examines the effect of the educational policies implemented in the country from the American period up to the present in shaping the minds of Filipinos toward English and the American culture. In an initial assessment, results show that both instrumental and integrative motivations for learning English are present and thus create distinct yet complementing attitudes that favor the foreign language in higher functions compared to Filipino and other Philippine languages. As a conclusion, the study raises issues regarding the psychological aspect of language planning in the Philippines that is crucial in answering these challenges imposed by a global language on the national realities.