HomeMALAYvol. 26 no. 2 (2014)

Mga Piling Pangatnig Bilang mga Pangkawing Lohikal: Panimulang Pag-aaral ng Wikang Filipino Gamit ang Semantiks na Modelo-Teoretik / Filipino Conjunctions as Logical Connectives: A Preliminary Study of the Filipino Language Using Model-Theoretic Semantics

Jeremiah Joven B. Joaquin

Discipline: Language Arts and Disciplines

 

Abstract:

Iminumungkahi ng pag-aaral na ito ang paggamit ng isang teknikal na aparato mula sa lohikang pormal/simboliko na tatawaging semantiks na modelo-teoretik (o model-theoretic semantics) upang masiyasat ang kalikasan at estruktura ng wikang Filipino. Bilang panimulang pag-aaral, tututok ang talakayang ito sa mga piling pangatnig na ginagamit sa Filipino—partikular ang mga pangatnig na ginagamit sa Tagalog na nag-uugnay ng mga sugnay na buo ang diwa (o mga pahayag); gamit ang semantiks na modelo-teoretik (partikular ang semantiks na nagagamit-sa- katotohanan o truth-functional semantics), maipakikita na ang ilan sa mga pangatnig na ito ay may mga pormal at semantikong katangian na maihahalintulad sa mga pangkawing lohikal ng lohikang pormal.

 

This work proposes the use of model-theoretic semantics, a technical apparatus from formal logic, as a method to investigate the nature and structure of the Filipino language. As a preliminary study, this work focuses on conjunctions used in Filipino—particularly, conjunctions used in Tagalog, which conjoins two clauses (or propositions); and using the model-theoretic semantics (particularly, truth-functional semantics), it will be shown that some of these Filipino conjunctions have formal semantic properties akin to the logical connectives of formal logic.