HomeMALAYvol. 27 no. 2 (2015)

Conquista Maritima: Ang Kolonisasyong Espanyol mula sa Perspektibang Maritimo, 1571-1600 / Conquista Maritima: Spanish Colonization of the Philippines from a Maritime Perspective, 1571-1600

Efren B. Isorena

Discipline: History

 

Abstract:

 Ang mga taong 1571-1600 ay ang mahalagang panahon sa paglalatag ng pundasyong kolonyal ng kapangyarihang Espanyol sa Pilipinas. Ito ang magbabalangkas at magtatakda ng hubog at pangkalahatang kalakaran ng kolonyalismong Espanyol sa kapuluan sa buong panahon ng kanilang pananatili. Mula sa perspektibang maritimo, lumitaw ang isang alternatibong pagtingin sa proseso ng kolonyalismong Espanyol. Naitakda ng pag-aaral na ang patakaran ng repartimiento at sistemang encomienda ay ang espasyal na pagpapahayag ng konseptong partisoni-de-fondo; ang pagtatatag ng mga astillero, mula Luzon hanggang Zamboanga, ay sumisimbolo sa maistre ng bagong bangkang-bayan (bayang-kolonyal) ; ang pueblo bilang sosyo-espasyal na pagpapahayag ng kaayusan sa bangkang galera kung saan itinakda ang lugar ng mga Indios sa banchi bilang tagagaod o alipin ; at, ang pangkalahatang sanhi at tendensiya ng opresyong kolonyal bilang likas na konsekwensiya ng kalikasan at layunin ng digmang-galera sa pag-aangkin ng teritoryo, pagsasamsam ng mga ari-arian at pang-aalipin sa mga sakop. Ang kabuuan ng tradisyong ito ang nagbigay ng konteksto sa naging kondukta ng pananakop at proseso ng kolonisasyong Espanyol tungo sa transpormasyong kolonyal.

 

The period 1571-1600 was the foundational phase in the process of Spanish colonization in the Philippines. It was in this period that the general outline and character of Spanish colonialism in the Philippines were established which defined and guided trends and tendencies of its policies for the entire duration of the colonial period. Viewed from a maritime perspective, the study offers an alternative interpretation in the process of Spanish colonization. The study presented the policy of repartimiento and the encomienda system as spatial expression of the concept of partisoni-de-fondo; the astilleros dotting the archipelago from Luzon to Zamboanga, symbolically represents the maistre of the newly established ship-shape (galley) colonial society; the pueblo system serves as the socio-spatial expression of the new socio-spatial order wherein the Indios were clearly established in the benches as rowers or slaves; and, the general causes and tendencies of colonial oppression were natural consequences of the objectives and nature of galley-warfare towards conquest of territories, looting and slavery. The entire gamut of this tradition of maritime warfare places in context how Spanish colonization proceeded and the general conduct in the process of colonial transformation