HomeMALAYvol. 27 no. 2 (2015)

Ang Wika ng Sillag Festival Bilang Daluyan ng Kultura at Identidad ng mga Ilokano/The Language of Sillag Festival as a Reflection of Culture and Identity of the Ilocano

John A. Amtalao | Jane K. Lartec

Discipline: Culture

 

Abstract:

Isang makapangyarihang puwersa ng sining, wika, at kultura ang festival na kinasasangkutan ng nagkakaisang lipunan upang ipakilala ang kanilang identidad sa mga paniniwala, gawi, at pagpapahalaga. Siniyasat sa papel na ito ang pagwiwika ng Sillag festival bilang daluyan ng kultura at identidad ng mga Ilokano. Mula sa mga dokumentaryong video at larawan; pakikipanayam sa mga tagapamahala, mga kalahok, at mga manonood ng festival; at aktuwal na panonood ng mga mananaliksik, sinuri sa pamamagitan ng transkripsiyon at coding ang mga pahayag at larawang nagpapahiwatig ng kultura at identidad ng mga Ilokano. Lumabas sa resulta ang tatlong temang nagpapahiwatig ng kultura at identidad ng mga Ilokano - ang wika ng produkto, wika ng kasuotan/ kagamitan, at wika ng sayaw na umaayon sa malinaw ng sinag ng buwan. Nagsisilbing lunduyan ng pagkakakilanlan ng isang Ilokano na maaaring ipagmalaki sa buong mundo ang pagiging mapagtangi, malikhain, at mapagpasalamat na siyang ipinapakahulugan ng mga temang lumabas sa pagpapakahulugan ng datos. Tunay ngang mayaman ang festival bilang pagkukunan ng mahahalagang impormasyon bilang daluyan ng kultura at identidad ng anumang wika, lahi, at kultura. 

 

 Festival is a powerful force that reveals one’s identity which encompasses art, language, and culture that represents beliefs, practices, and values of a society. This paper analyzed the language used in Sillag Festival to explore the culture and to distinguish the identity of the Ilokano people. The data were gathered from documentations of videos and pictures; in-depth interviews from administrators/managers, participants, and spectators; and actual observations of the researchers. The transcripts and significant statements were analyzed through coding where three significant themes emerged: the language of products; the language of dances; and the language of costumes. These varied themes show that indeed, Ilocanos are unique, creative, and with high sense of gratitude which they can boast around the world. Truly, festivals are important avenues to reflect the culture and identity of the people whatever language, creed, and culture the people have.