Feorillo Petronilo Demeterio Iii | Joshua Mariz B. Felicilda
Discipline: Literature
Tinatalakay sa papel na ito ang ugnayan ng wika, pananaliksik at internasyonalisasyong akademiko sa konteksto ng hindi kaaya-ayang mga markang natamo ng mga institusyong Pilipino sa mataas na edukasyon sa ilang Asyano at pandaigdigangranking ng mga pamantasan. Ang papel na ito ay may apat na bahagi: 1) tungkol sa kahulugan ng internasyonalisasyong akademiko, 2) tungkol sa halaga ng pananaliksik sa internasyonalisasyong akademiko, 3) tungkol sa kahusayan sa pananaliksik at konsepto ng pamantasang pansaliksik (research university), at 4) tungkol sa pananaliksik at ilang usapin kaugnay ng wikang Filipino. Hangad ng papel na ito na maipakita ang malaking maiaambag ng wikang Filipino sa pagpapayaman ng kultura ng pananaliksik sa loob ng mga institusyong Pilipino sa mataas na edukasyon, na sa kalaunan ay mag-aangat sa kanilang katayuan sa ilang Asyano at pandaigdigang ranking ng mga pamantasan.