Discipline: Sociology
Isang mapamukaw at katangi-tanging pangyayari ang pag "liberate" ng mga pasistang kampon ni Marcos sa Manila Hotel noong Hulyo 1986. Ang hotel na iyon, kung inyong babalik-suriin, ay siyang pangunahing hotel pampamahalaan na itinayo ng mga Amerikano upang maging "guest house" para sa matataas na opisyal ng gobyemo ng Estados Unidos noong panahon ng pangasiwaang kolonyal. Bago tayo sinakop ng Hapon, ang Manila Hotel ang siyang "headquarters" ni Gen. Douglas MacArthur. Sagisag ito ng hayagang pagdominante ng imperyalismong Amerikano sa ating bayan. Kaya ang pagdeklara ni Tolentino at iba pang mga mersenaryo o bayarang kolaboreytor sa Manila Hotel ay isang maliwanag na pagpapatunay sa palagay na ang EDSA o "snap revolution" ay lubhang superpisyal, "change of administrative personnel'' lamang, di pa kumpleto, bubot o mura pa at kailangang pahinugin sa interbensiyon ng masa sa lahat ng sektor ng lipunan.