HomeLayagvol. 3 no. 1 (1998)

Panahilan, Batayan at Paraan Sa Pagpili ng Pinunong Pulitikal ng mga Piling Estudyante Sa Kolehiyo

Roberto E. Javier Jr.

Discipline: Political Science

 

Abstract:

Layunin ng pananaliksik na alamin ang mga panahilan, batayan, at paraan ng pagpili ng mga pinunong pulitikal. Ang katutubong pamamaraan ng pagtatanung-tanong ang ginamit sa pagkalap ng datos. Mga kabataan sa iba't-ibang kolehiyo sa Kamaynilaan ang nagging mga kalahok. Sin uri ang datos sa pamamagitan ng pagpapangkat-pangkat ng kasagutan. Ang mga panahilan ng mga kabataan sa pagpi/i ng pin uno ay ang kanilang pagkamamamayan at pananagutang panlipunan. Ang batayan sa pagpi/i ng mga pin uno sa pulitika ay binubuo ng limang kategorya. Ang unang tatlo ay mga katangian: pansarili, pampulitiko, at lingkod-bayan. Ang dalawang huli ay kasanayan sa pamumuno at kaisipan sa pulitika at gobyerno. Tinalakay din ang pagkakaiba ng pagpili ng pinunong lokal at nasyunal. May banghay din at pagpapa/iwanag sa proseso ng pagpili.