HomeSaliksik E-Journaltomo 7 bilang 3 (2018)

LIKTAO AT NARATIBO: SALAYSAY NG NAKARAAN, SAYSAY NG SINAUNANG BAYAN

Carlos P. Tatel Jr.

Susing salita: History, Anthropology, Social Sciences, Archaeology

 

Abstrak:

Para sa pambungad na ito, ipopook ang mga kontribusyon sa isyung ito ng SALIKSIK E-Journal sa pagmumuni-muni sa liktao at pagpapakahulugan nito. Gayundin, tiningnan ang ugnayan sa pagitan ng liktao at arkeolohiya sa Pilipinas. Pinahalagahan din sa pambungad na ito ang ugnayan ng liktao at kaalamang bayan. Sa huli, binigyangdiin ang saysay ng salaysay lalo na sa muling-pagsasalaysay ng sinaunang bayan.