Leksikal na Rehistro sa mga Pelikulang Mano Po 1: My Family, Mano Po 2: My Home, Mano Po 3: My Love, at Mano Po 4: Ako Legal Wife
Vincent Lester G. Tan
Discipline: Education, Filipino, Art, Sociology, Politics, Cultural Studies
Abstract:
Sa mga pelikulang Mano Po ng Regal Films, makikita ang malaking kaibahan ng pagsasalita ng mga Chinese at Filipino-Chinese ng Filipino. Ang mga Chinese ay walang kakayahang panglinggwistika kapag sila ay nagsasalita ng Filipino. Samakatuwid, "barok" silang magsalita ng Filipino. Ang mga Filipino-Chinese naman ay kasintatas na ng mga Pilipino kung magsalita ng Filipino sapagkat sila ay ipinanganak at lumaki na sa Pilipinas. Subalit gaya ng isang karaniwang Pilipino, lalo na't nakatira sa Metro Manila, makikitang pinaghahalo-halo nila ang Filipino, Ingles, at Chinese kapag sila ay nakikipag-usap dahil sila ay bunga ng halo-halong kultura. Dito makikita ang code-switching at code mixing sa mga linya ng mga tauhang Filipino-Chinese sa serye ng Mano Po. Matutunghayan sa artikulong ito ang aspektong panglinggwistika sa mga pelikulang Mano Po.
ISSN 2243-7851 (Online)
ISSN 0115-6195 (Print)