Discipline: Education, Art, Sociology, Cultural Studies
Ang Kagandahang Loob ay isang mahalagang konsepto sa kulturang Pilipino. Madalas itong ginagamit upang ilarawan ang isang taong nagpapakita ng kabutihan sa kapwa ngunit wala pa itong malinaw na depinisyon. Sa literatura, ito ay ang lahat ng kabutihang taglay ng isang tao. Ito rin ay inihahalintulad sa pagmamahal ng Diyos sa kanyang mga anak. Nakamit sa qualitative na pag-aaral na ito ang pagkakaroon ng depinisyon ng Kagandahang Loob mula sa empirikal na datos. Content analysisang ginamit upang makabuo ng 3 domeyn at 12 kategorya mula sa 16 (mga propesor at mga nasa helping profession) na sumagot sa questionnaire. Ayon sa resulta, ang taong may kagandahang loob ay may malasakit (sensitibo, hindi iniinda ang abala, may konsiderasyon, at inuuna ang kapakanan ng iba), may pakikipagkapwa (laging handang tumulong, unconditional, nagbibigay-serbisyo, at maalalahanin), at may malinis na kalooban (tumatanaw ng utang na loob, bukal ang kalooban, nagbibigay ng lakas ng loob, at marangal). Ang implikasyon ng resulta sa clinical psychology at counseling psychology ay tinalakay rin sa pag-aaral na ito.